8th-9th of November, 1521

[8 November: Trinidad and Victoria enter the harbour of Tidore, most important of the five principal Moluccas, which include Ternate, Motir, Makian, and Batjan.]

[9 November: The Europeans are received at Tidore by the Sultan Manzor, who declares that he and all his people wish to become vassals of the emperor Charles V.]

El viernes 8 de noviembre, tres horas antes de la puesta del sol, entramos en el puerto de una isla llamada Tadore, yendo a fondear cerca de tierra, en veinte brazas de agua, haciendo una descarga de toda nuestra artillería.

Al día siguiente el rey se presentó en una piragua y dio la vuelta a nuestras naves, y habiendo salido a su encuentro con nuestras chalupas para manifestarle nuestro reconocimiento, nos hizo entrar en su piragua, en la cual nos colocamos a su lado. Estaba sentado bajo un quitasol de seda que lo cubría enteramente; delante de él se hallaba uno de sus hijos que tenía el real cetro; dos hombres, cada uno con un vaso lleno de agua para que se lavase las manos, y otros dos con dos pequeños cofres dorados llenos de betel.

Nos felicitó por nuestra llegada diciéndonos que desde hacía largo tiempo había soñado que algunas naves debían llegar al Maluco desde países lejanos, y que para asegurarse si este sueño era verdadero, había observado la luna, donde había notado que estas naves venían efectivamente en camino, y que así nos aguardaba.

En seguida subió a nuestras naves, habiéndole todos nosotros besado la mano; se le condujo hacia el castillo de popa, donde para no verse obligado a agacharse no quiso entrar sino por la abertura superior. Ahí le hicimos sentar en una silla de terciopelo rojo, le vestimos un traje a la turquesa de terciopelo amarillo, y para manifestarle mejor nuestro respeto, nos sentamos todos en el suelo a su frente.

Cuando supo quiénes éramos y cuál era el objeto de nuestro viaje, nos expresó que tanto él como sus súbditos tendrían gusto en ser los amigos y vasallos del rey de España; que nos recibiría en su isla como a sus propios hijos; que podíamos bajar a tierra y permanecer en ella como en nuestra propia casa; y que, por amor al rey nuestro soberano, quería que en adelante su isla no se llamase más Tadore sino Castilla.

Le obsequiamos entonces la silla en que estaba sentado y el vestido que le habíamos puesto. Le dimos también una pieza de paño fino, cuatro frazadas de escarlata, un vestido de brocado, un paño de damasco amarillo, otros de la India, tejidos en seda y oro, una pieza de tela de Cambaya muy blanca, dos bonetes, seis sartas de cuentas, doce cuchillos, tres espejos grandes, seis tijeras, seis peines, algunas tazas de vidrio dorado y otras cosas. Regalamos a su hijo un paño de la India, de oro y seda, un espejo grande, un bonete y dos cuchillos, y a cada uno de los nueve principales personajes que le acompañaban, un paño de seda, un bonete y dos cuchillos. Hicimos también algunos presentes a todos los demás de su séquito, como un bonete, un cuchillo, etcétera, hasta que el rey nos previno que no diésemos más. Nos dijo que sentía no tener nada que presentar al rey de España, que fuese digno de él, pues no podía ofrecer más que su persona. Nos aconsejó que aproximásemos nuestras naves hacia las habitaciones, y que si alguno de los suyos osaba, durante la noche, venir a robamos, que le matásemos a tiros de fusil. En seguida se retiró muy satisfecho de nosotros, pero sin querer jamás inclinar la cabeza, a pesar de todas las reverencias que le prodigamos. A su partida hicimos una descarga general de artillería.

Este rey es moro, es decir, árabe, de edad de cerca de cuarenta y cinco años, bien conformado y de hermoso rostro. Su traje consistía en una camisa muy fina, con mangas bordadas en oro; un ropaje le descendía desde la cintura hasta los pies, y un velo de seda le cubría la cabeza con una guirnalda de flores sobrepuestas. Llámase rajá sultán Manzor. Es grande astrólogo.

[137] Three hours before sunset on Friday, 8 November, 1521, we entered into a harbour of an island called Tidore, and anchoring near the shore in twenty fathoms we fired all our artillery. The next day, the king came to the ships in a prau, and circled about them once. We immediately went to meet him in a small boat, in order to show him honour. He made us enter his prau and seat ourselves near him. He was seated under a silk awning, which sheltered him on all sides. In front of him was one of his sons with the royal sceptre, and two persons with two gold jars to pour water on his hands, and two others with two gilded caskets filled with their betel.

The king told us that we were welcome there, and that he had dreamt some time ago that some ships were coming to Molucca from remote parts; and that for more assurance he had determined to consult the moon, whereupon he had seen the ships were coming, and that we were they. Upon the king entering our ships all kissed his hand. Then we led him to the poop, and in order to enter there, he would not stoop, but climbed in [through a small door] from above. We had him sit down in a red velvet chair, and we clothed him in a yellow velvet robe made in the Turkish fashion. In order to show him greater honour, we sat down on the ground near him.

[138] Then when all were seated, the king began to speak and said that he and all his people desired to always be the most loyal friends and vassals to our king of Spain, that he received us as his children, and that we could go ashore as if in our own houses; for from that time forward, his island was to no longer be called Tidore, but Castile, because of the great love that he bore our king, his lord. We made him a present that consisted of the robe, the chair, a piece of delicate linen, four cubits of scarlet cloth, a piece of brocaded silk, a piece of yellow damask, some Indian cloth embroidered with gold and silk, a piece of white berania (the linen of Cambay), two caps, six strings of glass beads, twelve knives, three large mirrors, six pairs of scissors, six combs, some gilded drinking cups, and other articles; to his son we gave an Indian cloth of gold and silk, a large mirror, a cap, and two knives; and to each of nine other principal men, a silk cloth, caps, and two knives; and to many others caps or knives, giving presents until the king told us to stop.

[Chart of the island of Tarenate (Ternate), Giailonlo (Gilolo: Halmahera), Maitara (Mutir) with the scroll: ‘All the islands represented in this book are in the other hemi- sphere of the world at the antipodes’ (XVI)]

[Chart of the islands of Molucca including Pulongha, Tadore (Tidore), Mare, Mutir (Motir), and Machiam (Makiam) with the scroll: ‘Cavi gomode, that is, the Clove tree’ (XVII)]

[139] After that he declared to us that he had nothing else except his own life to send to the king his sovereign, and that we were to approach nearer to the city, and that whoever came to the ships at night, we were to kill with our muskets. In leaving the poop, the king would never bend his head. When he took his leave we discharged all our artillery. That king is a Moor and about forty- five years old, well built, of a regal bearing, and an excellent astrologer. At that time he was clad in a shirt of the most delicate white stuff with the ends of the sleeves embroidered in gold, and in a cloth that reached from his waist to the ground, and he was barefoot. Around his head he wore a silk scarf and over that a crown of flowers; and he was called Rajah Sultan Manzor.

Tatlong oras bago ang takipsilim noong araw ng Biyernes, ikawalo ng Nobyembre, 1521, pumasok kami sa daungan ng isang islang tinatawag na Tadore, at pagkababa ng angkla sa dalawampung dipa malápit sa pampang, pinaputok namin ang lahat ng kanyon. Kinabukasan, pumunta ang hari sa mga barko sakay ng isang prau, at isang beses inikutan ang mga ito. Agad kaming pumunta upang kitahin siyá gámit ang maliit na bangka, upang parangalan siyá. Pinapasok niya kami sa kaniyang prau at pinaupo kami malápit sa kaniya. Nakaupo siyá sa ilalim ng isang sedang lilim na nagbibigay-silong sa kaniya sa lahat ng panig. Nása harapán niya ang isa sa mga anak niyang laláki na may setro real, at dalawang tao na may daláng dalawang gintong banga upang buhusan ng tubig ang kaniyang mga kamay, at dalawa pang ibá na may daláng dalawang dinuradong ataul na punô ng kanilang betel. Sinabi sa amin ng hari na tanggap kami doon, at na napanaginipan niya dati na paratíng ang ilang barko sa Maluco mula sa malalayong lugar; at upang mas mapanatag ay nagpasiya siyáng sumangguni sa buwan, at pagkatapos niyon ay nakita niyang paparatíng ang mga barko, at kami ang mga iyon. Pagkapasok ng hari sa mga barko namin, humalik ang lahat sa kaniyang kamay, at pagkatapos ay hinatid namin siyá sa dulo. Noong pumasok siyá doon, ayaw niyang yumuko, at sa halip ay pumasok mula sa itaas. Pagkatapos siyáng paupuin sa isang upuan ng pulang pelus, sinuotan namin siyá ng isang dilaw na pelus na báta na gawa sa estilong Turko. Upang higit pa siyáng parangalan, umupo kami sa sahig malápit sa kaniya. Noong nakaupo na ang lahat, nagsimulang magsalita ang hari at sinabing hangad niya at ng lahat ng kaniyang mga tao na maging pinakamatapat na mga kaibigan at basalyo sa aming hari ng España. Tinanggap niya kami bílang mga anak, at maaari kaming dumaong sa pampang na tulad ng sa sarili naming mga bahay, sapagkat mula sa panahong iyon, hindi na tatawaging Tadore ang kaniyang isla at sa halip ay Castiglia, dahil sa matinding pagmamahal niya para sa aming hari, ang kaniyang soberanya.

Ginawan namin siyá ng isang handog na binubuo ng nasabing báta, upùan, isang piraso ng maselang linen, pulang telang may habàng apat na dipa, isang piraso ng sedang brokado, isang piraso ng damaskong dilaw, ilang tela mula Indiang bordado ng bulawan at seda, isang piraso ng berania (ang puting linen ng Cambaia), dalawang kupya, anim na kuwerdas ng salaming butil, labindalawang kutsilyo, tatlong malalakíng salamin, anim na pares ng gunting, anim na suklay, ilang dinuradong baso at ibá pang kagamitan. Binigyan namin ang kaniyang anak na laláki ng isang tela mula India na gawa sa bulawan at seda, isang malaking salamin, isang kupya, at dalawang kutsilyo; at sa bawat isa ng siyam na ibá—lahat silá ay mga pinunò niya—isang telang seda, mga kupya, at dalawang kutsilyo; at sa marami pang ibá, mga kupya o kutsilyo. Patuloy kaming namigay ng mga regalo hanggang pinahinto ng hari. Pagkatapos nitó, ipinahayag niya sa amin na wala na siyáng ibáng ipapadalá sa hari, ang kaniyang soberanya, kung hindi ang kaniyang sariling búhay. Dapat kaming lumapit sa lungsod, at dapat naming paslangin gámit ang mga musket namin ang sinumang pumunta sa mga barko sa gabí. Sa pag-alis sa dulo ng barko, hindi kailanman yumuko ang hari. Pinaputok namin lahat ng kanyon sa kaniyang pamamaalam. Muslim ang haring iyon at mahigit-kumulang apatnapu at limang taóng gulang. Maganda ang kaniyang pangangatawan at may presensiya ng isang maharlika, at isang napakahusay na astrologo. Noong panahong iyon, nakadamit siyá ng kamisetang gawa sa pinakamaselang puting materyal na bordado ng bulawan ang dulo ng mga manggas, at sa isang tela na umaábot sa lupa mula sa kaniyang baywang. Nakayapak siyá, at may sedang bandanang nakabalot sa kaniyang ulo, at sa taas nitó ay isang kuwintas ng mga bulaklak. Raia Sultan Manzor ang pangalan niya.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin