17th of December, 1521

El martes dimos al rey unos cuantos de los fusiles que habíamos tomado a los indígenas cuando nos apoderamos de sus juncos, algunos versos y cuatro barriles de pólvora.

Embarcamos en cada una de las naves ochenta toneles de agua, reservándonos para tomar leña en la isla de Mare, cerca de la cual debíamos pasar y donde el rey había enviado cien hombres para tenerla lista.

Ese mismo día el rey de Bachián obtuvo permiso del de Tadore para bajar a tierra a fin de hacer alianza con nosotros. Iba precedido de cuatro hombres que llevaban en las manos puñales desenvainados. En presencia del rey de Tadore y de todo su séquito, expresó que se hallaría siempre dispuesto a consagrarse al rey de España; que conservaría para éste solo todo el clavo que los portugueses habían dejado en su isla, hasta la llegada de otra escuadra española, y que no lo cedería a nadie sin su consentimiento; que por nuestro conducto iba a enviarle un enclavo y dos bahares de clavo, y habría con todo gusto dado diez, pero nuestras naves estaban tan cargadas que no podían recibir más.

Nos dio también para el rey de España dos aves muertas muy hermosas. Estas aves son del tamaño de un zorzal, tienen la cabeza pequeña y el pico largo, las patas del grueso de una pluma de escribir y de un palmo de largo; la cola se asemeja a la del zorzal; carecen de alas, pero en su lugar tienen plumas largas de diferentes colores, como un penacho, y todas las demás, con excepción de las que le sirven de alas, son de un color oscuro. Estas aves no vuelan sino cuando hace viento. Se dice que provienen del paraíso terrenal y las llaman bolon dinata, es decir, pájaros de Dios.

El rey de Bachián parecía ser un hombre de setenta años. Se nos refirió de él una cosa muy extraña, y fue que cada vez que iba a combatir a sus enemigos o quería emprender alguna cosa muy importante, se sometía por dos o tres veces a los caprichos repugnantes de uno de sus domésticos destinado a este objeto, lo mismo que lo hacía César con Nicomedes, según la relación de Suetonio.

Un día el rey de Tadore envió recado a los nuestros que guardaban el almacén de mercaderías que no saliesen durante la noche, porque había, según expresaba, algunos isleños que, por medio de ciertos ungüentos, tomaban la figura de un hombre sin cabeza, en cuyo estado se paseaban durante la noche. Si se encuentran con alguno que no les agrada, le untan la palma de las manos, con lo cual la víctima cae enferma y muere en tres o cuatro días. Cuando divisan tres o cuatro personas juntas no las tocan, pero poseen el arte de aturdirías. El rey añadió que tenía espías para conocer a estos brujos y que había hecho ya colgar a varios.

Antes de habitar una casa recién edificada encienden grandes fogatas a su alrededor, celebran varios festines, y cuelgan en seguida del techo trozos de todo lo mejor que produce la isla, hallándose persuadidos de que por este medio no faltará nada en lo sucesivo a los que la habiten.

[176] On Tuesday, we gave our king certain artillery pieces resembling harquebuses, which we had captured in those Indies, and some of our culverins, together with four barrels of powder. At that place we took aboard eighty casks of water in each ship. Five days previously, the king had sent one hundred men to cut wood for us at the island of Mareh, because we were to pass by there. On that day, the king of Batjan and many of his men came ashore to make peace with us. Four men with drawn daggers in their hands walked before the king. In the presence of our king and all the others, he said that he would always be at the service of the king of Spain, and that he would hold in his name the cloves left by the Portuguese until the arrival of another of our fleets, and he would never give them to the Portuguese without our consent.

He sent to the king of Spain a slave, two bahars of cloves (he sent ten, but the ships could not carry them as they were so heavily laden), and two extremely beautiful dead birds as presents. Those birds are as large as stock doves, and have a small head and a long beak; their legs are a span in length and as thin as a reed, and they have no wings, but in their stead long feathers of various colours, like large plumes; their tail resembles that of a stock dove; all the rest of the feathers except the wings are of a tawny colour; they never fly except when there is wind.

The people told us that those birds came from the terrestrial paradise, and they call them bolon diuata, that is to say, ‘birds of God’.

Each one of the kings of Molucca wrote to the king of Spain [to say] that they desired to be always his true subjects. The king of Batjan was about seventy years old, and he observed the following custom: whenever he was about to go to war or to undertake any other important thing, he first had it done to him two or three times by one of his servants whom he kept for no other purpose.

[177] One day our king sent to tell our men who were living in the house with the merchandise not to go out of the house by night, because of certain of his men who anoint themselves and roam abroad by night, and they appear to follow no leader. When any of them meets any other man, he touches the latter’s hand and rubs a little of the ointment on him. The man falls sick very soon, and dies within three or four days; and when such persons meet three or four together, they do nothing else than to deprive them of their senses; [the king said] that he had had many of them hanged. When those people build a new house, before they move in they make a fire around it and hold many feasts; then they fasten to the roof of the house a trifle of everything found in the island so that such things may never be wanting to the inhabitants. Ginger is found throughout those islands: we ate it green like bread. Ginger is not a tree, but a small plant that puts forth from the ground certain shoots a span in length that resemble reeds, and whose leaves resemble those of the reed, except that they are narrower. Those shoots are worthless, but the roots form the ginger, and it is not so strong green as dry. Those people dry it in lime, for otherwise it would not keep.

Noong araw ng Martes, binigyan namin ang hari namin ng ilang piraso ng mga kanyon na kahawig ng mga arquebus, na nasamsam namin sa mga islang iyon, at ilan sa aming mga culverin kasáma ang apat na bariles ng pulbura. Isinakay namin sa lugar na iyon ang walumpung bariles ng tubig sa bawat barko. Limang araw bago dito, nagpadalá ang hari ng isandaang tauhan upang pumutol ng kahoy para sa amin sa isla ng Mare, na siyáng daraanan namin. Noong araw na iyon, pumunta sa dalampasigan ang hari ng Bachian at marami sa mga tauhan niya upang makipag-ayos ng kapayapaan sa amin. Naglakad sa harap ng hari ang apat na tauhan na may hawak na mga nakalabas na punyal. Sa harap ng aming hari at sa lahat ng ibá pa, sinabi niyang lagi siyáng mananatili sa paglilingkod sa hari ng España, at ititirá niya sa kaniyang ngalan ang mga klabong iniwan ng mga Portuges para sa pagdatíng ng isa sa aming mga plota, at na hindi niya kailanman ibibigay ang mga ito sa mga Portuges nang walang pahintulot namin. Nagpadalá siyá bílang handog sa hari ng España ng isang alipin, dalawang bahar ng klabo (nagpadalá siyá ng sampu, ngunit hindi na silá maikarga ng mga barko dahil punông-punô na silá), at dalawang napakagandang patay na ibon. Sinlaki ng mga thrush ang mga naturang ibon, at mayroong maliliit na ulo at mahahabàng tuka. Isang palad ang habà ng kaniláng mga binti at singnipis ng isang pluma, at wala siláng mga pakpak, at sa halip ay mayroong mahahabàng balahibo ng ibá’t ibáng kulay, tulad ng malalakíng plumahe. Kahawig ng buntot ng thrush ang sa kanilá. May dilawang kayumangging kulay ang lahat ng mga balahibo maliban sa mga pakpak. Hindi silá lumilipad maliban na lámang kapag may hangin. Sinabi sa amin ng mga tao na nanggáling sa isang lupaing paraiso ang mga ibong iyon, at tinatawag niláng bolon diuata, na ang ibig sabihin ay “mga ibon ng Panginoon.” Noong araw na iyon, nagsulát ang bawat isa sa mga hari ng Maluco sa hari ng España [upang sabihin] na hangad niláng laging maging kaniyang matatapat na tagasunod. Mahigit-kumulang pitumpung taon ang hari ng Bachian. Sinusunod niya ang sumusunod na gawi: na siyáng tuwing makikidigma siyá o may kahit anong gagawing ibáng mahalagang bagay, ipapagawa muna niya ito nang dalawa o tatlong beses ng isa sa mga alipin niya na itinatago niya para sa wala nang ibá pang silbi.

Isang araw, nagpahatid ng mensahe ang aming hari sa mga tauhan naming nakatirá sa bahay ng mga kalakal na huwag lumabas ng bahay sa gabí, dahil sa ilan niyang tauhang binabasbasan ang kaniláng mga sarili at gumagala sa labas kinagabihan. Tíla wala siláng pinunò, at kapag nakatatagpo ang kahit sino sa kanilá sa ibá pang tao, dadampian niya ang kamay ng hulí, at papahiran ito ng kaunting ungguwento. Mabilis na magkakasakit ang tao, at mamamatay sa loob ng tatlo o apat na araw. Kapag nakatatagpo ang mga táong iyon ng magkakasámang tatlo o apat, wala siláng ibáng gagawin kung hindi tanggalan silá ng kaniláng pandamá. [Sinabi ng hari] na pinabitay niya ang marami sa mga ito. Kapag nagpapatayô ng bagong bahay ang mga táong iyon, gumagawa silá ng apoy sa palibot nitó at nagdaraos ng maraming pista bago silá manirahan doon. Pagkatapos ay ikinakabit nilá sa bubong ng bahay ang kung ano-anong bagay mula sa lahat ng matatagpuan sa isla, nang sa gayon ay hindi kailanman magiging kulang ang mga bagay na iyon para sa mga nakatirá. Matatagpuan ang luya sa kalakhan ng mga islang iyon. Kinain namin itong lunti tulad ng tinapay. Hindi isang punò ang luya, ngunit isang maliit na halaman na nagpapausbong sa lupa ng mga talbos na may habàng isang palad, na kahawig ng mga talbos ng mga tambo at mayroong mga kaparehong dahon tulad ng sa mga tambo, maliban na mas makitid ang mga ito. Walang halaga ang mga talbos na iyon, ngunit binubuo ng mga ugat ang luya. Hindi ito sintibay kung lunti kaysa tuyo. Pinapatuyo ito ng mga táong iyon sa dayap, sapagkat kung hindi ay mabubulok ito.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin