Skip to content

16th of December, 1521

El lunes, el rey de Tadore envió al de Bachián una comida, llevada por cincuenta mujeres vestidas con paños de seda desde la cintura hasta las rodillas: marchaban de a dos en dos, llevando un hombre al medio. Cada una sostenía una bandeja que contenía pequeños platos llenos de diferentes guisados. Los hombres llevaban vino en grandes vasos. Diez mujeres de las de más edad hacían el oficio de maestros de ceremonia. Llegaron en este orden hasta la embarcación, y presentaron todo al rey, que estaba sentado en un tapiz listado de rojo y amarillo. A su regreso, las mujeres se juntaron a algunos de los nuestros que la curiosidad había llevado a ver este convoy y no pudieron librarse de ellas sino haciéndoles algunos pequeños regalos. El rey de Tadore nos envió en seguida víveres, tales como cabras, cocos, vino y otros comestibles.

Este mismo día pusimos velas nuevas a las naves, pintando en ellas la cruz de Santiago de Galicia, con esta inscripción: Ésta es la enseña de nuestra buena fortuna.

[175] On Monday our king sent a banquet to the king of Batjan, brought by fifty women all clad in silk garments from the waist to the knees. They went two by two with a man between each pair. Each of them bore a large tray filled with other small dishes that contained various kinds of food. The men carried nothing but the wine in large jars. Ten of the oldest women acted as mace bearers. Thus did they go as far as to the prau where they presented everything to the king, who was sitting upon the carpet under a red and yellow canopy. As they were returning, those women captured some of our men and it was necessary to give them some little trifle in order to regain their freedom. After that our king sent us goats, coconuts, wine, and other things. That day we put new sails on the ships, upon which there was a cross of St James of Galicia, with an inscription that read: ‘This is the sign of our good fortune’.

Noong araw ng Lunes, nagpadalá ang hari namin ng isang bangkete sa hari ng Bachian sa pamamagitan ng limampung babaeng nakasuot lahat ng mga sedang damit mula baywang hanggang binti.Dumatíng siláng dala-dalawa na may laláki sa gitna ng bawat pares. May dalá ang bawat isa ng isang malaking bandeha na punô ng ibá pang maliliit na pinggang may lamáng ibá’t ibáng uri ng pagkain. Walang dalá ang mga laláki kung hindi alak sa malalakíng banga. Nagsilbing mga tagapagdalá ng mace ang sampu sa pinakamatatandang kababaihan. Sa ganitong paraan silá pumunta sa prau kung saan nilá inihandog ang lahat sa hari na siyáng nakaupo sa karpet sa ilalim ng isang pula at dilaw na silungan. Hábang pabalik silá, dinakip ng mga babaeng iyon ang ilan sa aming kalalakihan at kinailangan siláng bigyan ng kaunting abubot upang makamit ng mga laláki ang kaniláng kalayàan. Pagkatapos nitó, nagpadalá sa amin ng hari namin ng mga kambing, buko, alak, at ibá pang bagay. Itinali namin ang mga layag sa mga barko noong araw na iyon. Mayroong siláng krus ni Santiago ng Galitia, na may kasámang inskripsiyong nagsasabing: “Ito ang tanda ng aming magandang kapalaran.”