26th of November, 1521

El martes 26 de noviembre el rey nos vino a visitar, diciéndonos que hacía en obsequio nuestro lo que los reyes sus predecesores no habían jamás ejecutado, esto es, salir de su isla; aunque estaba contento de haberse determinado a darnos esta prueba de amistad hacia el rey de España y hacia nosotros, a fin de que pudiéramos partir a nuestro país lo más pronto y regresar en poco tiempo con más fuerzas para vengar a su padre, que había sido muerto en una isla llamada Buru y su cadáver arrojado al mar. Añadió que era costumbre en Tadore que cuando en un navío o en un junco se cargaba el primer clavo, que el rey diese un festín a los mercaderes o marineros de la embarcación, y que hiciese también plegarias para que llegasen con felicidad a su patria. Pensaba, a la vez, dar otro festín al rey de Bachián, que en compañía de su hermano venía a hacerle una visita, para cuyo efecto había hecho limpiar las calles y caminos.

Esta invitación nos inspiró algunas sospechas, tanto más cuanto que acabamos de saber que en el sitio en que hacíamos aguada, tres portugueses habían sido asesinados, poco tiempo antes, por isleños ocultos en un bosque inmediato. Además, se veía frecuentemente a los de Tadore en conferencia con los indios que habíamos hecho prisioneros; de suerte que, a pesar de la opinión de algunos de los nuestros que habrían aceptado de buena gana la invitación del rey, el recuerdo del funesto festín de Zubu nos la hizo rehusar. Sin embargo, presentamos al rey nuestras excusas y agradecimientos, rogándole que viniese lo más pronto a las naves para que pudiésemos entregarle los cuatro esclavos que le habíamos prometido, por cuanto nuestra intención era partir con el primer buen tiempo.

El rey vino el mismo día y subió a bordo sin manifestar la menor desconfianza. Expresó que llegaba donde nosotros como si entrase a su propia casa, asegurándonos que sentía mucho una partida tan repentina y tan poco usual, ya que todas las naves empleaban ordinariamente treinta días en completar su cargamento, lo que nosotros habíamos ejecutado en mucho menor tiempo. Añadió que si nos había ayudado, hasta salir de su isla, a cargar con más prontitud el clavo, no había pensado por eso apresurar nuestra partida. Hizo en seguida la reflexión de que la estación no era a propósito para navegar en aquellos mares, a causa de los bajos que se encuentran cerca de Bandán, y que, por lo demás, podríamos en esos días encontrar algunas naves de nuestros enemigos los portugueses.

Cuando vio que todo lo que acababa de decirnos no era bastante para detenemos, «pues bien, replicó, os devolveré entonces todo lo que me habéis dado en nombre del rey de España, porque si partís sin dejarme tiempo para preparar presentes dignos de vuestro rey, todos los soberanos mis vecinos dirán que el de Tadore es un ingrato, que habiendo recibido obsequios de un tan poderoso monarca como el de Castilla, no le enviaba nada en retorno. Dirán también, añadió, que os partís así de prisa, temiendo una traición mía, y toda mi vida quedaré yo con el nombre de traidor». Entonces para tranquilizarnos de cualquier sospecha que hubiéramos podido abrigar de su buena fe, se hizo traer su Corán, lo besó devotamente y lo colocó cuatro o cinco veces sobre su cabeza, balbuceando entre dientes ciertas palabras que eran una invocación llamada zambehan. Después de esto dijo en alta voz y en presencia de todos nosotros, que juraba por Alá y por el alcorán que tenía en la mano, que sería siempre un fiel amigo del rey de España. Profirió todo esto casi llorando y con tan buen modo que le prometimos pasar aún quince días en Tadore.

Dímosle entonces el sello y pabellón real. Poco después supimos que algunos de los principales de la isla le aconsejaron efectivamente que nos matase, para hacerle merecer el agrado y reconocimiento de los portugueses, que le ayudarían mejor que los españoles a vengarse del rey de Bachián; pero que el rey de Tadore, leal y fiel al de España, con el cual había jurado la paz, había respondido que jamás nada podría obligarle a cometer tal acto de perfidia.

[159] On Tuesday, 26 November, the king told us that it was not the custom of any king to leave his island, but that he had left [his] for the love that he bore the king of Castile, and so that we might go to Spain sooner and return with so many ships that we could avenge the murder of his father, who was killed in an island called Buru and then thrown into the sea. He told us that it was the custom, when the first cloves were laden in the ships or in the junks, for the king to make a feast for the crews of the ships, and to pray to their god that he would lead those ships safe to their port; he also wished to do it because of the king of Batjan and one of his brothers, who were coming to visit him. He had the streets cleaned.

Some of us imagining that some treachery was afoot, because three Portuguese in the company of Francisco Serrão had been killed in the place where we took in water, by certain of those people who had hidden in the thickets, and because we saw those Indians whispering with our prisoners, declared in opposition to some who wished to go to the feast that we ought not go ashore for feasts, for we remembered that other so unfortunate one.

In the end it was concluded that we should send a message to the king asking him to come soon to the ships, for we were about to depart and we would give him the four men whom we had promised him, besides some other merchandise.

[160] The king came immediately and entered the ships, telling some of his men that he entered them as securely as into his own houses. He told us that he was greatly astonished at our intention to depart so soon, since the limit of time for lading the ships was thirty days; and that he had not left the island to do us any harm, but to supply the ships with cloves sooner; and that we should not depart then for that was not the season for sailing among those islands, both because of the many shoals found about Bandan and because we might easily meet some Portuguese ships [in those seas]; however, if it were our determination to depart then, we should take all our merchandise, for all the kings roundabout would say that the king of Tidore had received so many presents from so great a king, and had given nothing in return; and that they would think that we had departed only for fear of some treachery, and would always call him a traitor. Then he had his Koran brought, and first kissing it and placing it four or five times upon his head, and saying certain words to himself as he did so (which they call zambahean), he declared in the presence of all, that he swore by Allah and by the Koran that he had in his hand, that he would always be a faithful friend to the king of Spain. He spoke all those words nearly in tears. In return for his good words, we promised to wait another fifteen days. Thereupon, we gave him the signature of the king and the royal banner. None the less, we heard afterward on good authority that some of the chiefs of those islands had proposed to him to have us killed because it would give the greatest pleasure to the Portuguese, and that the latter would forgive those of Batjan, but the king had replied that he would not do it under any circumstances since he had recognized the king of Spain and had made peace with him.

Noong araw ng Martes, ikadalawampu at anim ng Nobyembre, sinabi sa amin ng hari na hindi nakagawian ng kahit sinong hari na iwanan ang kaniyang isla, ngunit na nilisan niya [ang kaniya] para sa pagmamahal na mayroon siyá para sa hari ng Castiglia, at upang maaari kaming makapunta nang mas maaga sa España at makabalik kasáma ang kayraming barko na maipaghihiganti namin ang pagpaslang sa kaniyang ama na pinatay sa isang islang tinatawag na Buru bago itapon sa dagat. Sinabi niya sa aming kaugaliang maghanda ng pista ang hari para sa mga tripulante ng mga barko kapag isinasakay sa unang pagkakataon ang mga klabo sa mga barko o sa mga junk, at na magdasal sa kaniláng Panginoon na ligtas Niyang gagabayan ang mga barkong iyon patúngo sa kaniláng pantalan. Nais din niyang gawin iyon dahil paratíng ang hari ng Bachian at isa sa kaniyang mga laláking kapatid upang dumalaw. Pinalinisan niya ang mga lansangan. Naghinala ang ilan sa amin na may kataksilang isinasagawa, dahil pinatay sa lugar kung saan kami tinagasan ng tubig ang tatlong Portuges na kasáma ni Francesco Serrano, sa kamay ng mga táong iyon na nagkubli sa mga makakapal na palumpong, at dahil nakita namin ang mga taga-India na iyon na nakikipagbulungan sa aming mga bihag, kung kayâ nagpahayag silá, salungat sa ilang nais pumunta sa pista, na hindi dapat kami pumunta sa dalampasigan para sa mga pista, sapagkat naalala namin ang isa pang kasamaang palad [sa Cebu]. Labis kaming hindi mapakali kung kayâ napagpasiyahang magpadalá ng mensahe sa hari upang hilingin siyáng pumunta kaagad sa mga barko, sapagkat paalis na kami, at na ibibigay namin sa kaniya ang apat na tauhang ipinangako namin bukod pa sa ilang kalakal. Dali- daling pumunta ang hari at pumasok sa mga barko. Sinabihan niya ang ilan sa mga tauhan niya na pumasok siyá sa mga ito nang may parehong panatag sa pagpasok sa sarili niyang mga bahay. Sinabi niya sa aming lubha niyang ikinagulat ang hangárin naming umalis kaagad, sapagkat tatlumpung araw ang hanggahan ng oras para sa pagkakarga sa mga barko; at na hindi niya nilisan ang isla upang gawan kami ng masamâ, at sa halip ay upang mas mabilis na tustusan ng mga klabo ang mga barko. Sinabi niyang hindi dapat kami lumisan ngayon, sapagkat hindi iyon ang panahon para sa paglalayag sa mga islang iyon, parehong dahil sa maraming bahura na matatagpuan sa paligid ng Bandan at dahil maaari naming madalîng makatagpo ang ilang barkong Portuges [sa mga dagat na iyon].

Subalit kung determinado na kaming umalis ngayon, dapat naming dalhin ang lahat ng aming kalakal, sapagkat sasabihin ng lahat ng hari sa kapiligiran na tumanggap ng kayraming regalo ang hari ng Tadore mula sa isang kaydakilang hari, at walang itinumbas na handog; at na iisipin niláng pumanaw lámang kami dahil sa tákot ng kung anong kataksilan, at lagi nilá siyáng tatawaging traidor. Pagkatapos ay ipinahatid niya ang kaniyang Koran, at pagkatapos halikán ito at ipatong nang apat o limang beses sa kaniyang ulo, at pagkatapos sumambit ng ilang salita sa kaniyang sarili tulad ng ginawa niya (na tinatawag niláng zambahean), ipinahayag niya sa harap ng lahat, at sumusumpa sa ngalan ni Allah at ng Koran na hawak niya, na lagi siyáng magiging matapat na kaibigan sa hari ng España. Sinambit niya ang lahat ng salitâng iyon nang halos maiiyak. Bílang tumbas sa kaniyang mabubuting salita, nangako kaming mag-aantay ng dalawa pang linggo. Pagkatapos nitó ay binigyan namin siyá ng lagda ng hari at ng bandera real. Gayunman, nasagap namin pagkaraan mula sa isang mabuting awtoridad na nagpanukala sa hari ang ilang pinunò ng mga islang iyon na paslangin kami, at na bibigyan nitó ng labis na kasiyahan ang mga Portuges, at na papatawarin ng hulí ang mga taga-Bachian. Ngunit tumugon daw ang hari na hindi niya ito gagawin para sa alinmang dahilan, sapagkat kinilala na niya ang hari ng España at nakipag-ayos na ng kapayapaan sa kaniya.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin