El sábado vinieron a bordo tres hijos del rey de Tarenate, con sus mujeres, que eran hijas del rey de Tadore, acompañados del portugués Pedro Alfonso. Regalamos una taza de vidrio dorado a cada uno de los tres hermanos, y a las tres mujeres tijeras y otras bagatelas. Enviamos también algunas menudencias a otra hija del rey de Tadore, viuda del rey de Tarenate, que no había querido venir a bordo.
[168] On Saturday, three of the sons of the king of Ternate and their three wives, the daughters of our king, and Pietro Alfonso, the Portuguese, came to the ships. We gave each of the three brothers a gilt glass drinking cup, and scissors and other things to the women. Many pieces were discharged at their departure. Then we sent ashore many things to the daughter of our king, now the wife of the king of Ternate, as she refused to come to the ships with the others. All those people, both men and women, always go barefoot.
Noong araw ng Sabado, pumunta sa mga barko ang tatlo sa mga laláking anak ng hari ng Tarenate at ang tatlo niláng asawa, mga babaeng anak ng aming hari, at ang Portuges na si Pietro Alfonso. Binigyan namin ang bawat isa sa mga laláking magkakapatid ng isang dinuradong baso, at mga gunting at ibá pang bagay sa mga babae. Nagpaputok ng maraming kanyon sa kaniláng paglisan. Pagkatapos ay nagpadalá kami sa baybay nang maraming bagay para sa babaeng anak ng hari, ang dáting asawa ng hari ng Tarenate, sapagkat tumanggi siyáng pumanhik sa mga barko kasáma ang mga ibá. Laging nakayapak ang lahat ng táong iyon, laláki at babae.