El lunes por la tarde vino el rey a bordo de nuestra nave acompañado de tres mujeres que le llevaban su betel. Conviene notar que los reyes y los miembros de la real familia son los únicos que tienen derecho de hacerse acompañar por mujeres. El mismo día el rey de Geailolo nos visitó por segunda vez para presenciar el ejercicio de fuego.
Como se aproximaba el tiempo fijado para nuestra partida, venía el rey frecuentemente a visitamos, dejándose notar fácilmente cuánto lo sentía. Entre otras cosas lisonjeras, nos decía que se hallaba como un niño a quien su madre va a quitar el pecho. Nos rogó que para su defensa le dejásemos algunas piezas de artillería.
Nos previno que no navegásemos durante la noche, a causa de los bajos y escollos que se encuentran en este mar; y cuando le dijimos que nuestra intención era navegar día y noche para llegar lo más pronto a España, nos respondió que en tal caso no podía hacer nada mejor que rogar y hacer que rogasen a Dios por la prosperidad de nuestra navegación.
Durante este tiempo, Pedro Alfonso de Lorosa se trasladó a bordo con su mujer y todos sus enseres para regresar a Europa con nosotros. Dos días más tarde, Chechilideroix, hijo del rey de Tarenate, llegó con una canoa bien tripulada para invitarle a que se fuese con él; pero Pedro Alfonso se guardó bien de aceptar el ofrecimiento, sospechando que encerraba alguna mala intención, previniéndonos aun que no permitiésemos que aquél subiese a bordo, consejo que adoptamos.
En seguida se supo que Chechili, muy amigo del comandante portugués de Malaca, había formado el proyecto de apoderarse de Pedro Alfonso y de entregárselo. Cuando se vio burlado en sus expectativas gruñó y amenazó a los que habían dado acogida a Pedro Alfonso porque le dejaban partir sin su permiso.
[170] On Monday afternoon, the king came to the ships with three women, who carried his betel for him (no one except the king can take women with him). Afterwards the king of Gilolo came and wished to see us fight together again.
[171] Several days later, our king told us that he was like a child at the breast who knew his dear mother was departing and was leaving him alone; he would be especially disconsolate because now he had become acquainted with us and enjoyed some of the products of Spain, and our return would be far in the future. He earnestly entreated us to leave him some of our culverins for his defence and advised us to sail only by day when we left, because of the numerous shoals amidst those islands.
We replied to him that if we wished to reach Spain we would have to sail day and night. Thereupon, he told us that he would pray daily to his god for us, asking him to conduct us in safety, and he told us that the king of Batjan was about to come to marry one of his brothers to one of his [the king of Tidore’s] daughters. He asked us to invent some entertainment in token of joy; but that we should not fire the large pieces, because they would do great damage to the ships as they were laden.
[172] During that time, Pietro Alfonso, the Portuguese, came with his wife and all his other possessions to remain in the ships.
[173] Two days later, Chechili de Roix, son of the king of Ternate, came in a well-manned prau and asked the Portuguese to come down into it for a few moments. The Portuguese answered that he would not come down, for he was going to Spain with us. The king’s son tried to enter the ship, but we refused to allow him to come aboard. He was a close friend to the Portuguese captain of Malacca, and had come to seize the Portuguese, and he severely scolded those who lived near the Portuguese because they had allowed the latter to go without his permission.
Pagkahapon ng Lunes, pumunta ang hari sa mga barko kasáma ang tatlong babae, na mga tagadalá niya ng kaniyang betel. Walang ibá maliban sa hari ang maaaring magdalá ng babae kasáma niya. Pagkatapos, dumatíng ang hari ng Giailolo at humiling na makita ulit kaming magkasámang lumaban. Ilang araw ang lumipas nang sinabi sa amin ng hari na para siyáng isang sumusúsong musmos na kilála ang mahal niyang ina, na siyáng iiwanan ang una sa pag-alis niya. Lalo siyáng mawawalan ng sigla, dahil nakilála niya na kami, at natikman ang ilan sa mga produkto ng España. Sapagkat matagal pa sa hinaharap ang pagbalik namin, marubdob siyáng nagsumamo sa amin na iwanan siyá ng ilan sa mga culverin namin para sa kaniyang pagtatanggol. Pinayuhan niya kaming maglayag lámang sa araw kapag lumisan na kami, sapagkat marami ang mga bahura sa mga naturang isla. Tumugon kami sa kaniyang kailangan naming maglayag sa parehong araw at gabí kung nais naming makaratíng sa España. Dahil dito, sinabi niya sa aming araw-araw siyáng magdadasal sa kaniyang Panginoon para sa amin, at hihilingin sa Kaniya na ligtas kaming gabayan. Sinabi niya sa aming paratíng na ang hari ng Bachian upang ipakasal ang isa sa mga kapatid niyang laláki sa isa sa kaniyang [ang hari ng Tidore] mga babaeng anak, at hiniling sa aming umimbento ng uri ng libangan bílang sagisag ng ligaya; ngunit hindi dapat namin paputukin ang malalakíng kanyon, sapagkat malubha niláng pipinsalain ang mga barko dahil punô silá. Noong panahong iyon, dumatíng upang manatili sa mga barko ang Portuges na si Pietro Alfonso kasáma ang kaniyang asawa at lahat ng ibá niyang pagmamay-ari. Dalawang araw ang lumipas nang dumatíng sa mga barko sakay ng isang prau na punò ng tauhan si Chechili de Roix, laláking anak ng hari ng Tarenate, at hiniling niya sa Portuges na pumanaog sa prau para sa ilang sandali. Sumagot ang Portuges na hindi siyá bababa, dahil papunta siyáng España kasáma namin, at sa sandaling ito sinubukang pumasok sa barko ang anak ng hari, ngunit tumanggi kaming pasakayin siyá, sapagkat malápit siyáng kaibigan ng kapitáng Portuges ng Malaca, at dumatíng upang dakpin ang Portuges. Labis niyang pinagalitan ang mga táong nakatirá malápit sa Portuges dahil pinayagan nilá ang hulí na makaalis nang walang pahintulot niya.