10th of April, 1521

[Humabon allows Magellan to bury two of his men who recently died; Fr. Pedro de Valderrama, the expedition’s chaplain, consecrates and erects a wooden cross on the gravesite.]

Habiendo muerto uno de los nuestros durante la noche, el miércoles por la mañana, acompañado del intérprete, regresé donde el rey para pedirle permiso para el entierro, y que con este objeto nos indicase un sitio. Le encontramos rodeado de un numeroso cortejo, y nos respondió que, puesto que el comandante podía disponer de él y de todos sus súbditos, con mayor razón podía disponer de sus tierras. Añadí que para enterrar al muerto debíamos consagrar el lugar de la sepultura y plantar en él una cruz, y el rey no sólo dio su consentimiento, sino que añadió que adoraría, como nosotros, la cruz.

Se consagró lo mejor que fue posible la plaza misma de la ciudad, destinada a servir de cementerio a los cristianos, según los ritos de la Iglesia, a fin de inspirar a los indianos una buena opinión de nosotros, y ahí enterramos en seguida el muerto. La misma tarde enterramos otro.

Habiendo desembarcado ese día muchas de nuestras mercaderías, las depositamos en una casa que el rey tomó bajo su protección, lo mismo que a cuatro hombres que el comandante dejó ahí para comerciar por mayor. Este pueblo, que es amigo de la justicia, usa pesos y medidas. Hacen las balanzas de un pedazo de palo, sostenido hacia el medio por una cuerda, y de un lado está el platillo de la balanza atado a un extremo del fiel por tres pequeñas cuerdas, y en el otro hay una pesa de plomo que equivale al peso del platillo. Del mismo lado se añaden las pesas, que representan libras, medias libras, tercios, etc., colocando sobre el platillo las especies que se quiere pesar. Poseen también medidas de longitud y de capacidad.

Estos isleños son dados al placer y a la ociosidad. Hemos ya contado la manera como las jóvenes tocan los timbales; usan también una especia de gaita, que se asemeja mucho a la nuestra y que llaman subin.

Hacen sus casas de postes, tablas y cañas, y tienen cuartos como los nuestros; y hallándose en alto, queda debajo un vacío que sirve de gallinero y de establo para los puercos, cabras y gallinas.

Se nos refirió que había en estos mares pájaros negros, parecidos a cuervos, que cuando las ballenas aparecen en la superficie del agua, esperan que abran la boca para lanzarse dentro, yendo directamente a arrancarles el corazón, que se van a comer lejos.

La sola prueba que nos dieron de este hecho fue que suele verse al pájaro negro comiendo el corazón de la ballena, y que a ésta se la encuentra muerta sin el corazón. Añadían que este pájaro se llama lagan, que tiene el pico dentado y la epidermis negra, pero que su carne es blanca y buena para comer.

[79] On Wednesday morning, since one of our men had died during the previous night, the interpreter and I went to ask the king where we could bury him. We found the king surrounded by many men, of whom, after the due reverence was made, I asked where we could bury him. He replied, ‘If I and my vassals all belong to your sovereign, how much more ought the land.’ I told the king that we would like to consecrate the place, and to set up a cross there. He replied that he was quite satisfied and that he wished to worship the cross as we did. The deceased was buried in the square with as much pomp as possible, in order to furnish a good example, and then we consecrated the place. In the evening, we buried another man. We carried a quantity of merchandise ashore, which we stored in a house that king took under his care as well as four men who were left to trade the goods by wholesale. Those people live in accordance with justice, and have weights and measures; they love peace, ease, and quiet.

[80] They have wooden scales, the bar of which has a cord in the middle by which it is held; at one end is a bit of lead, and at the other marks as if for quarters, thirds, and pounds. When they wish to weigh they take the scales, which have three wires like ours, and place them above the marks, and so weigh accurately. They have very large measures without any bottom. The youth play on pipes made like ours that they call subin. Their houses are constructed of wood, and are built of planks and bamboo, raised high above the ground on large logs, and one must enter them by means of ladders, and they have rooms like ours. Under the house they keep their swine, goats, and fowls. Large sea snails, beautiful in appearance, are found there that kill the whales that swallow them alive. When they are in the whale’s body, they come out of their shells and eat the whale’s heart. Those people afterward find them alive near the dead whale’s heart. Those creatures have black teeth and skin and a white shell; the flesh is good to eat, and they are called laghan.

Pagkaumaga ng Miyerkoles, sapagkat namatay ang isa sa mga tauhan namin noong nakaraang gabí, pinuntahan namin ng tagasalin ang hari upang tanungin kung saan kami maaaring maglibing. Natagpuan namin ang hari na pinalilibutan nang maraming tauhan, at tinanong ko siyá pagkatapos magbigay ng nararapat na paggalang. Tumugon siyáng, “Kung ako at ang mga kampon ko ay nása ilalim ng inyong pinunò, paano pa ang lupain.” Ipinaalam ko sa hari na nais naming gawing banal ang lupa at magtanim ng krus doon. Tumugon siyáng masaya siyá dito at nais niyang sambahin ang krus tulad namin. Inilibing ang namatay sa liwasan sa pinakamarangyang paraang posible, upang magpakita ng magandang halimbawa. Pagkatapos ay binasbasan namin ang lugar at naglibing ng isa pang tauhan kinagabihan. Nagdalá kami ng mga kalakal sa aming pagdaong at itinago sa isang bahay. Iningatan ito ng hari pati na rin ang apat na tauhang naiwan upang ikalakal nang maramihan ang mga bagay. Namumuhay sang-ayon sa katarungan ang mga táong iyon, at mayroong mga pantimbang at panukat. Ibig nilá ang payapa, luwag, at tahimik. Mayroon siláng mga kahoy na pantimbang, at ang bareta nitó ay mayroong tali sa gitna kung saan ito hinahawakan. Sa isang dulo ay isang piraso ng tinggâ, at sa isa ay mga marka ng sangkapat na pound, sangkatlong pound, at isang pound. Kapag gusto niláng magtimbang, kinukuha nilá ang mga eskala na may tatlong alambre tulad nang sa atin, at inilalagay sa taas ng mga marka, at sa gayon ay nakapagtitimbang nang eksakto. Mayroon siláng malalakíng panukat na walang ilalim. Naglalaro ang kabataan sa mga túbong gawa tulad nang sa atin at tinatawag niláng subin. Gawa sa kahoy ang kaniláng mga bahay at binubuo ng mga tabla at kawayan, at mataas mula sa lupa ang pagkakapatong sa malalakíng troso, at kailangang gumamit ng hagdanan ang sinumang nais pumasok. Mayroon siláng mga silid na katulad sa atin; at itinatago nilá sa ilalim ng bahay ang kaniláng mga baboy, kambing, at manok. Matatagpuan doon ang malalakíng susóng pandagat, maganda sa paningin at pumapatay ng mga balyena; sapagkat kapag nilulon siláng buháy ng balyena, at nása loob na silá ng katawan nitó, lumalabas silá sa kaniláng mga kabibi at kinakain ang puso ng balyena. Pagkatapos ay matatagpuan silá ng mga táong iyon na buháy malápit sa puso ng patay na balyena. Mayroong ngipin, itim na balát, puting kabibi, at laman na masarap kainin ang mga hayop na ito at tinatawag na laghan.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin