11th of November, 1521

Lunes 11 de noviembre, Chechilideroix, uno de los hijos del rey de Tarenate a quien acabamos de nombrar, se acercó a nuestras naves en dos piraguas en que había tocadores de timbales. Estaba vestido con un traje de terciopelo rojo, y según supimos en seguida, andaba con la viuda e hijos de Serrano. Sin embargo no se atrevió a subir a bordo y nosotros no quisimos invitarle sin consentimiento del rey de Tadore, su enemigo, en cuyo puerto estábamos, y a quien habiéndole preguntado si podíamos recibirle, nos hizo responder que éramos dueños de hacer lo que gustásemos.

Durante este intervalo, Chechilideroix, viendo nuestras vacilaciones y concibiendo algunas sospechas, se alejó de nosotros, en vista de lo cual nos resolvimos a alcanzarle en la chalupa, regalándole una pieza de paño de la India, de seda y de oro, y algunos espejos, cuchillos y tijeras, que aceptó de mala gana, partiendo en seguida.

Tenía consigo un indio que se había hecho cristiano, llamado Manuel, doméstico de Pedro Alfonso de Lorosa, quien, después de la muerte de Serrano, había venido de Bandán a Tarenate. Este Manuel, que hablaba el portugués, vino a nuestro buque y nos dijo que los hijos del rey de Tarenate, aunque enemigos del rey de Tadore, se hallaban muy dispuestos a abandonar a Portugal para unirse a España. Por su conducto escribimos una carta a Lorosa, invitándole a venir a bordo, sin abrigar el menor temor por lo que a nosotros tocaba. Veremos en seguida que aceptó nuestra invitación.

Informándome de las costumbres del país, supe que el rey puede tener cuantas mujeres le agraden, pero que una sola se reputa como su esposa y todas las otras son sus esclavas. Fuera de la ciudad había una gran casa en que se albergaban doscientas de sus mujeres más hermosas, con otras tantas destinadas a su servicio.

El rey come siempre solo o con su esposa, sobre una especie de estrado alto, desde donde ve sentadas a su alrededor a todas las demás mujeres, eligiendo después de comer la que ha de dormir con él la noche siguiente. Cuando el rey ha concluido de comer, sus mujeres lo hacen todas en común, si él quiere, y si no, cada una va a comer por separado en su habitación. Nadie puede ver a las mujeres del rey sin un permiso expreso de su parte, y si algún imprudente osase acercarse a su residencia de día o de noche, le matarían en el acto. Para proveer de mujeres el serrallo del rey, cada familia está obligada a suministrarle una o dos jóvenes. El raja sultán Manzor tenía veintiséis hijos, ocho hombres y dieciocho mujeres. En la isla de Tadore había una especie de obispo que tenía cuarenta mujeres y gran número de hijos.

[143] On Monday, 11 November, one of the sons of the king of Ternate, Chechili de Roix, came to the ships clad in red velvet with two praus; his men were playing upon the above-mentioned metal discs and he refused to enter the ship at that time. He had [charge of] the wife and children, and the other possessions of Francisco Serrão. When we found out who he was, we sent a message to the king, asking him whether we should receive Chechili de Roix, since we were in the king’s port. He replied to us that we could do as we pleased. The son of the king, seeing that we were hesitating, moved off somewhat from the ships. We went to him with the boat in order to present him an Indian cloth of gold and silk, and some knives, mirrors, and scissors. He accepted them somewhat haughtily, and immediately departed. He had a Christian Indian with him named Manuel, the servant of one Pedro Alfonso de Lorosa, a Portuguese who went from Bandan to Ternate, after the death of Francisco Serrão. As the servant knew how to speak Portuguese, he came aboard our ship, and told us that, although the sons of the king of Ternate were at enmity with the king of Tidore, they were always at the service of the king of Spain. We sent a letter to Pedro Alfonso de Lorosa, through his servant, [telling him] that he could come without any fear.

[144] Those kings have as many women as they wish, but only one chief wife, whom all the others obey. The king of Tidore had a large house outside of the city, where two hundred of his chief women lived with a like number of women to serve them. When the king eats, he sits alone or with his chief wife in a high place like a gallery from which he can see all the other women who sit about the gallery; and he orders her who best pleases him to sleep with him that night. After the king has finished eating, if he orders those women to eat together, they do so, but if not, each one goes to eat in her chamber. No one is allowed to see those women without permission from the king, and if anyone is found near the king’s house by day or by night, he is put to death. Every family is obliged to give the king one or two of its daughters. That king had twenty-six children – eight sons and the rest daughters.

[145] Next to that island there is a very large island, called Gilolo, which is inhabited by Moors and heathens. Two kings are found there among the Moors; one of them, as the king told us, had had 600 children, and the other 525. The heathens do not keep so many women; nor do they live under so many superstitions, but adore for all that day the first thing that they see in the morning when they go out of their houses. The king of those heathens, called Rajah Papua, is exceedingly rich in gold, and lives in the interior of the island. Reeds as thick around as the leg and filled with water that is very good to drink grow on the flinty rocks in the island of Gilolo: we bought many of them from those people.

Noong araw ng Lunes, 11 Nobyembre, pumunta sa mga barko na nakadamit ng pulang pelus ang isa sa mga anak ng hari ng Tarenate, [na siyáng] si Chechili de Roix. Mayroon siyáng dalawang prau at tinutugtog ng kaniyang mga tauhan ang mga nabanggit na gong. Tumanggi siyáng pumasok sa barko noong sandaling iyon. Nása kaniyang pangangalaga ang asawa at mga anak at ibáng pag-aari ni Francesco Serrano. Nang nalaman namin kung sino siyá, nagpadalá kami ng mensahe sa hari na tinatanong siyá kung dapat ba naming tanggapin si Chechili de Roix, sapagkat nása pantalan niya kami, at tumugon siyáng maaari naming gawin ang nais namin. Subalit pagkakitang nag-aalangan kami, bahagyang lumayo mula sa mga barko ang anak ng hari. Pinuntahan namin siyá lulan ng bangka upang ihandog sa kaniya ang isang tela mula India na yarì sa bulawan at seda, at ilang kutsilyo, salamin, at gunting. Tinanggap niya itong may bahagyang pagmamataas, at agad umalis. May kasáma siyáng Kristiyanong taga-India na nagngangalang Manuel, ang alipin ng isang nagngangalang Pietro Alfonso de Larosa, isang Portuges na pumunta mula sa Bandan patúngong Tarenate, pagkatapos ang pagkamatay ni Francesco Serrano. Dahil marunong magsalita ng Portuges ang alipin, pumanhik siyá sa aming barko at sinabi sa aming kahit magkaaway ang mga laláking anak ng hari ng Tarenate at ang hari ng Tadore, lagi pa rin siláng nása ilalim ng hari ng España. Nagpadalá kami ng liham kay Pietro Alfonso de Lorosa sa pamamagitan ng kaniyang alipin, [at sinabihan siyá] na maaari siyáng pumunta nang walang pag-aalinlangan.

Maaaring kumuha ng kayraming babaeng nais nilá ang mga haring iyon, ngunit isa lámang na pangunahing asawa, na siyáng susundin ng lahat ng ibá. Mayroong malaking bahay sa labas ng lungsod ang nabanggit nang hari ng Tadore kung saan nakatirá ang dalawandaan sa mga pangunahing asawa niya kasáma ng sindaming babae upang magsilbi sa kanilá. Kapag kumakain ang hari, mag-isa siyáng umuupo o kasáma ang kaniyang pangunahing asawa sa isang mataas na lugar tulad ng isang galeriya mula kung saan ay makikita niya ang lahat ng ibáng babae na nakaupo sa loob ng galeriya; at uutusan niya ang babaeng pinakakinatutuwaan niya na samáhan siyáng matulog sa gabíng iyon. Pagkatapos kumain ng hari, kapag inutusan niya ang mga naturang babaeng magkasámang kumain, gagawin nilá, ngunit kung hindi, pupunta ang bawat isa sa kaniyang sariling silid upang kumain. Walang maaaring makakita sa mga naturang babae nang walang pahintulot mula sa hari, at sinumang matagpuang malápit sa bahay ng hari, sa araw o sa gabí, ay papatayin. Kailangang ibigay sa hari ng bawat pamilya ang isa o dalawa sa mga babaeng anak nitó. Mayroong dalawampu at anim na anak ang naturang hari, walo ang laláki, at ang ibá ay babae. Karatig ng islang iyon ang isang napakalaking islang tinatawag na Giailolo [Gilolo], na siyáng tinitirhan ng mga Muslim at mga pagano. Dalawang hari ang matatagpuan doon sa mga Muslim; ang isa sa kanilá ay may anim na daang anak, at ang isa ay limandaan at dalawampu at lima, ayon sa pagkakasabi sa amin ng hari. Hindi ganoon karami ang mga babae ng mga pagano; at hindi silá namumuhay sa ilalim ng napakadaming pamahiin, at sa halip ay sinasamba sa buong araw ang unang bagay niláng makita sa umaga pagkalabas nilá ng kaniláng mga bahay. Napakayaman sa bulawan ang hari ng mga paganong iyon, na tinatawag na Raia Papua, at naninirahan sa looban ng naturang isla. Tumutubo sa matitigas na bato sa isla ng Giailolo ang mga tambong singkapal at simbilog ng binti at punô ng tubig na napakasarap inumín. Bumili kami ng marami sa mga ito mula sa mga táong iyon.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin