20th of December, 1521

Al día siguiente, muy de mañana, regresó con ellos. Se echaron al mar con sus cabellos sueltos, porque se imaginaban que el agua, al entrar por la rotura, atraería sus cabellos y les indicaría por este medio dónde se hallaba; pero después de buscarla durante una hora, subieron a la superficie sin haber encontrado nada. El rey pareció afectarse vivamente con esta desgracia, hasta el punto que ofreció ir en persona a España a manifestar al rey lo que acababa de acontecemos; a lo que le replicamos que teniendo dos naves podríamos hacer este viaje en la Victoria sola, que no tardaría en partir para aprovecharse de los vientos que comenzaban a soplar de este; que durante este tiempo se repararía la Trinidad, que podría en seguida valerse de los vientos del oeste para llegar hasta el Darién, que está del otro lado del mar en la tierra de Diucatán. El rey dijo entonces que tenía a su servicio doscientos cincuenta carpinteros, los cuales emplearía en el trabajo bajo la dirección de los nuestros, y que los que de nosotros quedasen en la isla, serían tratados como sus propios hijos. Pronunció estas palabras con tanta emoción que nos hizo a todos verter lágrimas.

Los que tripulábamos la Victoria, temiendo que su carga fuese demasiado considerable para que pudiese hacerla abrirse en alta mar, determinamos dejar en tierra sesenta quintales de clavo, haciéndolos conducir a la casa en que estaba alojada la tripulación de la Trinidad. Hubo, sin embargo, algunos de nosotros que prefirieron quedar en las islas Molucas antes que regresar a España, bien fuese por el temor de que la nave no pudiese resistir un viaje tan largo, o ya porque, recordando todo lo que habían sufrido antes de llegar a las Molucas, hubiesen temido perecer de hambre en medio del océano.

[179] Our king came with the three men early on Friday morning, and he immediately sent the men into the water with their hair hanging loose so that they could locate the leak by that means. They stayed a full hour under water but were quite unable to locate it. When the king saw that he could be of no assistance, he asked us weeping ‘who will go to Spain to my sovereign, and give him news of me’. We answered him that the Victoria would go there in order not to lose the east winds that were beginning to blow, while the other ship, as it was being refitted, would await the west winds and then go to Darien, which is located on the other side of the sea in the country of Yucatan.

The king told us that he had 225 carpenters who would do all the work, that he would treat all who remained there as if they were his sons, and that they would not need to work except for two of them needed to direct the carpenters in their work. He spoke those words so earnestly that he made all of us weep. We, of the ship Victoria, worried that the ship might break open, as it was too heavily laden, lightened it of sixty quintals of cloves, which we had carried into the house where the other cloves were. Some of the men from our ship wanted to remain there, since they feared that the ship would not survive the voyage to Spain, but they feared dying of hunger even more.

Dumatíng ang hari namin kasáma ang tatlong laláki pagkaaga nang umaga ng Biyernes. Kaagad niya siláng ipinadalá sa ilalim ng tubig na nakalugay ang buhok nang sa gayon ay mahanap ang tagas sa pamamagitan nitó. Nanatili silá sa ilalim ng tubig nang isang buong oras ngunit hindi nagawang hanapin ito. Pagkakita ng hari na wala siyáng maitutulong, tumatangis niyang tinanong sa amin kung sino sa amin ang pupunta “sa España sa aking hari, at ipababatid sa kaniya ang balita tungkol sa akin.” Sinagot namin siyá na ang “Victoria” ang pupunta doon upang hindi masayang ang mga silangang hanging nagsisimula nang umihip, hábang ang kabilâng barko, hábang isinasaayos ay aantayin ang mga kanlurang hangin at pagkatapos ay tutúngo sa Darien na siyáng matatagpuan sa kabilâng bahagi ng dagat sa bayan ng Diucatan [Yucatan]. Sinabi sa amin ng hari na kakailanganin niya ng isandaan at dalawampu at limang anluwage na gagawa ng lahat ng trabaho, at na ituturing niyang mga anak niya ang lahat ng mananatili dito. Hindi silá dadanas ng kahit anumang pagod maliban sa dalawa sa kanilá na magmamando sa mga karpintero sa kaniláng trabaho. Sinambit niya ang nga salitâng iyon nang may matinding rubdob na pinaiyak niya kaming lahat. Dahil kaming sa barkong “Victoria” ay hindi tiyak kung mabibiyak ang barko dahil napakadami nitóng kargamento, pinagaan namin ito ng animnapung quintal ng mga klabo, na siyáng dinalá namin sa bahay kung saan nakatago ang ibá pang mga klabo. Hinangad ng ibá sa mga tauhan ng barko namin na manatili doon, sapagkat nangangamba siláng hindi matatagalan ng barko ang paglalayag patúngong España, ngunit mas higit dahil sa pangambang mamamatay silá sa gutom.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin